^

Metro

3 vape store malapit sa iskul, pinadlak sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasara ng lungsod ng Taguig ang tatlong vape shop noong Huwebes, dahil sa paglabag sa Comprehensive Smoke-Free Ordinance (City Ordinance No. 15, Series of 2017).

Pinangunahan ng Taguig Business Permits and Licensing Office ang pagsasara ng mga vape shop na matatagpuan sa Barangay Sta. Ana, Hagonoy, at Lower Bicutan.

Nilabag umano ng mga vape shop ang perimeter requirement para sa pagbebenta, pag-advertise, at pag-promote ng mga produkto ng vape.

Ang bawat isa ay nasa loob ng 100 metro ng mga paaralan, pampublikong palaruan, health facilities, at mga ospital.

Bukod pa rito, ang mga establisyimento ay tumatakbo nang walang valid business permit na inisyu ng lokal na pamahalaan.

Hinihimok ng lokal na pamahalaan ang mga may-ari ng negosyo, partikular ang mga operator ng vape shop, na magpa-inspeksyon sa Smoke Free Task Force bago sila magsimula ng operasyon.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with