^

Metro

‘PISTON 6’ inabsuwelto ng Caloocan court

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘PISTON 6’ inabsuwelto ng Caloocan court
This picture shows a photo of the "Piston 6".
PISTON / Facebook

Nagrali noong lockdown

MANILA, Philippines — Matapos ang halos apat na taon, inabsuwelto na ng Caloocan Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 83 ang anim na jeepney drivers o ang tinaguriang PISTON 6 na inaresto sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020 matapos iprotesta ang paghihigpit ng gob­yerno sa panahon ng lockdown upang magpatuloy sa trabaho para buhayin ang kanilang pamilya.

Base sa resolusyon na ipinalabas nitong Bi­yernes, pinayagan ni Caloocan City MTC Branch 83 Presiding Judge Marlo Bermejo Campanilla ang ‘demurrer to evidence’ na inihain ni PISTON Deputy Secretary General Ruben Baylon, Severino Ramos, Wilson Ramilla, Ramon Paloma, Elmer Cordero at Arsenio Ymas; binansagang PISTON 6.

Ang mga ito ay ­inabsuwelto sa simpleng pagsuway at hindi pagsunod sa mga awtoridad, isang kaso sa ilalim ng Revised Penal Code na naganap sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan may lockdown.

Sa mensahe na ipinoste ng PISTON 6 sa social media, ipinagbunyi ng mga ito ang kanilang kalayaan matapos ang apat na taon. Ang mga ito ay inaresto noong Hunyo 2, 2020 matapos magdaos ng demonstrasyon at nanawawagan sa pamahalaan na  makabalik na sila sa paghahanapbuhay sa panahon ng pandemya.

Ang pagpayag ng korte sa ‘demurrer to evidence’ ay katumbas ng pag-absuwelto sa kaso kung saan muling sinuri ng korte ang mga ebidensya at dito’y nadetermina ang kakulangan ng ebidensya .

Ikinatwiran naman ng mga driver na nais lamang nilang mabuhay dahilan sa nagugutom na ang kanilang mga pamilya dulot ng kawalan ng ayuda mula sa pamahalaan at mahinto ang kanilang paghahanapbuhay.

Ang PISTON 6 ay nagprotesta, hinuli at dinala sa presinto kung saan  kinasuhan sila ng ‘disobedience to social distancing’  at pinagmulta ng tig- P3,000 bawat isa .

Kinontra naman ng PISTON 6 ang pahayag ng pulisya sa pagsasa­bing sumunod sila sa social distancing at nakasuot ng face mask nang isagawa ang kilos pro­testa.Samantalang umani naman ng simpatiya sa netizens ang PISTON 6 lalo na si Cordero, na isang senior citizen na 72 -anyos nang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya.

vuukle comment

PISTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with