^

Metro

2 sugatan sa sunog sa Quezon City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 sugatan sa sunog sa Quezon City
This photo shows a picture of a fireman trying to extinguish a fire.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang iniulat na nasugatan habang lima namang kabahayan ang natupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Sto. Niño, Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), isa sa mga nasugatan ay isang fire volunteer na nagtamo ng sugat sa kaniyang kamay.

Samantalang ang isa pa ay isa namang residente na nagtamo ng bahagyang pagkapaso habang itinutulak ang kaniyang sasakyan  sa kasagsagan nang paglikas sa nagliliyab na lugar.

Bandang alas-6:18 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang compound na may ilang kabahayan sa Brgy. Buhay Street, Brgy . Sto Niño ng lungsod .

Nagresponde naman ang mga bumbero at idineklarang fire out na ang sunog dakong alas -7:09 ng umaga.

Naitala naman na anim na pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog sa nasabing lugar.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang sanhi ng naganap na sunog at magkano ang halaga ng pinsala sa insidente.  

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with