^

Metro

DILG, nagbabala vs pulis na nag-ooperate ng kolorum na sasakyan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga miyembro ng kapulisan at ma­ging ang mga retiradong pulis na nag-ooperate ng mga kolorum na sasakyan.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr. may kalalagyan ang sinumang mahuhuling sangkot at nasa likod ng illegal operation lalo na kung miyembro ng PNP.

Una nang nagkaroon ng kasunduan ang DILG, Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  na huhulihin ang naglipanang kolorum na sasakyan.

Sa panig naman ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, alam na aniya ng kaniyang mga kasamahan ang magiging kapalaran sakaling mapatunayang sangkot sila sa mga ­ilegal na aktibidad.

May PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na magmomonitor sa mga sangkot na pulis.

“Kung talagang may ganyan we have IMEG to check the lifestyle of the police we are sure hindi po nangyayari yan at alam ng mga pulis yan ang penalties for illegal doings,” ani Marbil.

Pero sa ngayon, wala pa namang rekord ang PNP kaugnay sa mga tauhan nitong lumabag sa ilegal na operasyon ng mga kolorum na sasakyan.

Sa pahayag ng mga tsuper at operator na nasa 35% ang nawawala sa kanilang kita dahil sa mga kolorum.

Sa kabilang banda, mayroon na lamang hanggang Abril 30 ang mga PUV operator para i-consolidate ang kanilang mga prangkisa.

Kung hindi, ituturing na kolorum ang kanilang sasakyan oras na pumasada pa rin ang mga ito pagkatapos ng deadline.

Batay sa record ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, 190,000 units ng PUVs ang sumama sa consolidation kabilang na rito ang mga UV express, PUJ, mini-buses at mga bus.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with