‘Tulak’ sa sementeryo, timbog sa ?347K shabu
MANILA, Philippines — Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga sa isang pampublikong sementeryo sa Pasay City, gabi ng Lunes..
Kinilala ng suspek sa alyas na “Kim”, 32-anyos, residente ng lugar.
Sa ulat , alas-11:00 ng gabi ng Abril 15, nang sumugod ang mga tauhan ng Station Intelligence Section ng of Pasay City Police Station sa Pasay City Public Cemetery, batay sa impormasyong ibinigay ng confidential informant.
Nakuha mula sa suspek ang nasa 51.16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P347,888.00 at isasailalim siya sa reklamong paglabag sa Section 11 of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Samantala, alas-8:45 ng gabi ng Abril 15 nang salakayin ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Taguig City Police Sub-station 5 ang isang drug den sa Brgy. Palingon Tipas, Taguig City.
Naaresto sa operasyon ang mga suspek na sina alyas” June”, 52-anyos, vendor at nakatalang high value individual; at mga drug user na sina isang alyas “Michael”, 42, pintor; alyas “Joy”, 44, vendor ng gulay; at isang alyas “Maribel”, 44, mananahi, na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings para sa kaukulang kaso.
Nasamsam sa mga suspek ang 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?272,000, isang genuine ?1,000 bill at 39 piraso ng boodle money, at isang kalibre .38 revolver na may 2-bala.
- Latest