^

Metro

Tigil-pasada, ‘wa epek’ - MMDA

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tigil-pasada, �wa epek� - MMDA
Hindi umano halos naramdaman ang ikinasang transport strike kahapon ng PISTON at Manibela dahil sa marami ring mga jeepney ang pumasada.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines —  Mistulang ‘wa epek’ ang unang araw ng ikinasang tigil-pasada ng grupong Piston at Manibela kahapon.

Sa pulong-balitaan, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Don Artes na wala  silang namomonitor na anumang public transport disruption at katunayan ay  hindi pa nga sila nagdeploy ng 400 sasakyang nakaantabay para sa libreng sakay sa mga maaapektuhang commuters.

“In fact, we have not deployed any Libreng Sakay vehicles — out of 400 vehicles on standby for augmentation in case they are needed. So far, as of this morning, before our press conference, we have yet to deploy one,” aniya pa.

Binanggit pa ni Artes, na sapat na ang ibinigay na panahon  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga jeepney operators para sa consolidation.

Sa Quezon City, hindi rin  naramdaman  ang isinagawang transport strike.

Ayon kay Dexter Cardemas, hepe ng QC Traffic Transport and Management Department (TTMD), normal ang daloy ng trapiko sa lahat ng kalsada sa QC at walang naramdamang epekto ng transport strike kahapon.

Sinabi ni Cardenas na may 700 tauhan sa TTMD at 50 tauhan mula sa DPOS at 150 tauhan mula sa Task Force Disiplina at 2,000 tauhan ng QCPD ang nakakalat sa mga lansangan sa QC bukod pa sa mga nakakalat na barangay traffic personnel ang nagbantay at handang umalalay sa mga maaapektuhan ng transport strike .

Mayroon din anyang 2 bus na naka-standby mula sa General Servi­ces Department ang naka-antabay na magbibigay ng libreng sakay pero hindi na rin nagamit.

Sa kabuuan anya ay normal at maayos ang naging daloy ng trapiko sa QC sa panahon ng strike.

Una nang sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na wala na hindi na palalawigin ang April 30 deadline para sa PUV consolidation.

vuukle comment

PISTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with