Malaking halaga ng pera, natagpuan ng MMDA traffic enforcers

Kahapon inanunsyo ni MMDA acting chairman Don Artes na ang malaking halaga ay itinurn-over ng kanilang mga traffic enforcer kaya’t maaari itong makuha sa kanilang opisina sa Pasig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sinumang may-ari ng malaking halaga  na natagpuan ng mga traffic enforcer.

Kahapon inanunsyo ni MMDA acting chairman  Don Artes na ang malaking halaga ay itinurn-over ng kanilang mga traffic enforcer kaya’t maaari itong makuha sa kanilang opisina sa Pasig City.

“Kami po ay nananawagan doon sa nawalan ng pera na magpunta po personally sa aming tanggapan. Kailangan lang matiyak na alam ninyo po ang detalye nitong pera na ito. Saan siya nakalagay magkano, ano ang kasama doon sa pinaglalagyan, saang lugar, anong oras,” ani Artes.

Paliwanag niya, walang identification cards na kasama o pagkilanlan na magsasabi kung kanino ang pera , subalit  maaari ring ma-validate dahil may hawak namang kopya ng CCTV footage ang MMDA para matukoy kung ang aangkin ay nagsasabi ng totoo.

Show comments