^

Metro

Chinese sangkot sa human trafficking, nabuko sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabuko ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na nasa red-flag ng Interpol na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa trafficking at pagre-recruit ng mga Pinay para iligal na magtrabaho sa China.

Kinilala ni Immigration Commssioner Norman Tansingco ang pasahero na si Tong Jialong, 35, na nahuli sa NAIA terminal 3  habang pasakay sa Air Asia flight papuntang Shanghai.

Sinabi ni Tansingco na ang pagkakakilanlan ni Tong ay nagbunsod ng isang hit sa Interpol derogatory system ng BI na nakita na siya ay napapailalim sa red notice dahil sa pagi­ging isang takas mula sa hustisya sa kanyang bansa.

“Gayunpaman, pinayagan siyang sumakay sa kanyang flight matapos ipaalam ng BI sa Chinese police ang tungkol sa kanyang nalalapit na pagdating sa Shanghai,” sabi ni Tansingco.

Ayon kay BI-Interpol acting chief Jaime Bustamante, agad na inaresto si Tong pagdating sa Shanghai airport  hinihintay na siya ng mga awtoridad ng China bago pa man lumipad ang kanyang flight mula Maynila.

“Nasa kustodiya na siya ng Chinese police at nakakulong ngayon habang hinihintay ang kanyang paglilitis para sa mga krimeng diumano niyang ginawa.’

Inihayag ng BI-Interpol na ang warrant of arrest laban kay Tong ay inisyu ng Yongjia public security bureau noong Disyembre 2018 matapos ang kasong trafficking of persons at illegal border crossing laban sa kanya.

Inakusahan ng mga tagausig ng China na sa pagitan ng Abril hanggang Disyembre 2018, nakipagsabwatan si Tong sa iba pang mga suspek sa pagpapadali sa paglalakbay sa Vietnam ng humigit-kumulang 40 kababaihang Pilipino na kalaunan ay dinala sa China sa pamamagitan ng ilegal na pagtawid sa hangganan.

Nang maglaon, ang mga kababaihan ay nagtrabaho bilang mga sex worker o mga iligal na manggagawa sa serbisyo sa bahay na pinagkakakitaan ng kanilang mga recruiter.

Si Tong ay nakaiwas sa pagkakaaresto nang umalis siya sa China at nanatili sa Pilipinas mula nang dumating siya rito noong Marso 2018.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with