Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.
Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO ang 600,000 pang piraso ng plastic cards na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.
Anya, ang paghahatid ng karagdagang plastic cards ay makakatugon sa backlog sa mga plastic-printed driver’s license.
Una dito, ang unang isang milyong piraso ng plastic cards ay naihatid noong Marso 25 matapos alisin ng Court of Appeals ang injunction order sa paghahatid ng natitirang hindi naideliver na plastic cards mula sa kumpanyang Banner Plastic na nanalo sa bidding para sa delivery ng plastic cards noong nakaraang taon.
Isang araw matapos maihatid ang isang milyong piraso ng plastic card, agad na naglabas ang LTO ng schedule ng renewal ng expired na driver’s license upang tuluyang makuha ng mga motorista ang kanilang plastic-printed driver’s license.
Layunin ng renewal schedule na matiyak ang maayos na pagproseso at pamamahagi ng mga plastic-printed plastic card sa lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa.

Angie dela Cruz

- Latest