Rambulan ng 2 gang sa MCJ: 8 sugatan

Members of the Manila Police District Special Weapons and Tactics team (MPD-SWAT) inspected a compound after receiving a report that two groups were involved in a commotion in Sta. Cruz, Manila on April 13, 2024.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Walong bilanggo ang nasugatan sa naganap na rambulan ng dalawang grupo sa gitna sa loob ng Manila City Jail (MCJ) , Sabado ng hapon.

Kinumpirma ni MCJ Spokesman JO2 Elmar Jacobe na pasado ala-1:00 ng hapon nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng ng grupo ng Bahala na Gang at Sigue-sigue Commando Gang.

Anim ang miyembro ng Sigue-sigue Commando, habang dalawa sa Bahala Na Gang ang nasugatan.

Dahil dito, agad na sinuspinde ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang dalaw sa mga inmates.

Dahil dito, pinag-aa­ralan na ng Manila City Jail na ikasa ang ‘Oplan Greyhound’ sa male dormitory, kung saan, isa-isang iniinspeksyon ang mga gamit at selda ng mga inmate.

Idinagdag naman ni Jacobe, na karamihan sa mga nasaktan ay tinamaan ng bato sa kanilang ulo at kamay kaya isinugod sa ospital.

Hinihinalang nag-ugat ang kaguluhan maaring sa hindi pagkakaunawaan sa larong basketball kaugnay ng idinaraos na sportsfest.

Show comments