Mas mabigat na parusa sa mga pasaway na car dealers at importers, ipapatupad
MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na inaprubahan na ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang rekomendasyon ng LTO hinggil sa pagpapatupad ng mas mataas na penalties sa mga pasaway na car dealers at importers lalo na umano yaong mga sangkot sa ilegal na gawain sa pagrerehistro ng sasakyan.
Sinabi ni LTO Chief Vigor D. Mendoza na dahil sa pag-apruba ni Secretary Bautista ay magkakaroon na ng matinding parusa tulad ng pagsasampa ng kaso at pagtanggal ng permit at akreditasyon sa mga pasaway na manufacturers, assemblers, importers, rebuilders, dealers at iba pang entities na otorisadong mag-import ng sasakyan.
Layon ng mahigpit na parusa na babala ito para sundin ng mga nabanggit ang batas at regulasyon sa pagrerehistro ng mga sasakyan.
Dati ay suspension lamang ang naigagawad na parusa sa mga ito sa kanilang mga paglabag.
Inihalimbawa dito ni Mendoza ang fraudulent transactions ng dalawang Bugatti Chiron na naging daan upang pag-aralan ang kasalukuyang polisiya at maitama ang sobrang mababang penalties.
- Latest