^

Metro

‘It’s Showtime’ host minanyak, modelo arestado

Pilipino Star Ngayon
�It�s Showtime� host minanyak, modelo arestado
Personal na dumulog sa Quezon City Police Distict-Kamuning Police Station ang It’s Showtime artist na si Tricia Anne Florentino, 23, nakatira sa Unit 8, Francesca To­wers, Brgy. South Triangle, ­Quezon City upang ireklamo ang modelong si Shervy Torno, 25 anyos, ng 44 Unit A Santiago St., Navotas City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang modelo dahil sa tangkang “sexual assault” nang pag­hahawakan umano nito sa katawan ang isang babaeng host ng noontime TV variety show na “It’s Showtime” sa kanyang condominium unit, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Personal na dumulog sa Quezon City Police Distict-Kamuning Police Station ang It’s Showtime artist na si Tricia Anne Florentino, 23, nakatira sa Unit 8, Francesca To­wers, Brgy. South Triangle, ­Quezon City upang ireklamo ang modelong si Shervy Torno, 25 anyos, ng 44 Unit A Santiago St., Navotas City.

Batay sa ulat nina PSSg Edilyn Ortillo at PSSg Racquel Dangayo ng nasabing police station, nangyari ang insidente dakong alas-7:30, Huwebes ng gabi sa nasabing condo unit ng biktima.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brig. Gen. Redrico A. Maranan, lumalabas na matapos mailagay ng biktima ang mga labada sa kanyang kotse sa ibaba ng condominium at nag-aantay na sa pagbukas ng elevator pabalik sa kanyang unit ay napansin nito ang suspek na nakaupo sa lobby.

Kasunod nito, biglang sumabay na sumakay ng elevator ang suspek kung saan patungo ang biktima sa 8th floor habang ang una ay sa 11th floor.

Pagdating sa 8th floor lumabas ang biktima sa elevator pero sumunod na lumabas ang suspek at napansin ng una na pumunta sa dulong unit ang suspek.

Dito, dali-daling pumasok sa loob ng kanyang unit ang biktima subalit ilang saglit lang ay may kumatok na sa kanyang pinto.

Tiningnan ng biktima sa peephole ng pinto kung sino ang kumatok at nakita umano niya ang suspek sa labas. Nang kanyang pagbuksan, agad na siyang sinabihan ng suspek ng “Anong Facebook mo ‘te, ang ganda mo kase,” sabay hawak umano sa bewang at likod ng biktima, at sinabing “pa-kiss nga”.

Dahil sa takot at galit, tinulak ng biktima ang suspek saka siya tumakbo at dali-daling humingi ng tulong sa duty security guard sa lobby kaya dinakip ang suspek.

Agad na ipinasa ang suspek sa Kamuning Police Station 10 at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 287 of RPC (Unjust Vexation) sa piskalya.

vuukle comment

IT’S SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with