^

Metro

Public schools magpapatupad ng asynchronous classes sa April 15-16

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan na magpatupad ng “asynchronous classes” o “distance learning” sa Abril 15, Lunes, at Abril 16, Martes.

Kasabay na rin ito ng ikinakasang malawakang transport strike ng transport groups na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) at Manibela sa mga nasabing petsa.

Batay sa isang advisory na inilabas kahapon, sinabi ng DepEd na layunin ng pagpapatupad ng asynchronous classes at distance learning sa nasabing mga petsa na mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makumpleto ang kanilang nakabinbing mga gawain sa paaralan, partikular na ngayong nalalapit na ang end-of-school year (EOSY).

Dagdag ng DepEd, maging ang mga teaching at non-teaching personnel sa lahat ng public schools ay hindi na rin kailangang mag-report sa kani-kanilang istasyon.  Gayunman, tuloy pa rin umano ang mga aktibidad na inorganisa ng mga Regional at Schools Division Offices, gaya ng Regional Athletic Association Meets at iba pang division o school level programs, na nakatakdang idaos sa mga naturang petsa.

Nabatid na hindi naman sakop ng naturang abiso ng DepEd ang mga pribadong paaralan ngunit binibigyan sila ng opsiyon na ipatupad rin ito.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with