^

Metro

P15 minimum pasahe sa jeep, muling inihirit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P15 minimum pasahe sa jeep, muling inihirit
Traditional transport jeepneys wait for passengers at a terminal on Pedro Gil Street corner Agoncillo Street in Manila on January 2, 2024.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Muling ihihirit sa pamahalaan ng grupo ng transportasyon na aprubahan na ang P15 minimum fare sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep.

Ayon sa Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philip­pines (ALTODAP), ito ay dulot nang patuloy na pagtataas sa presyo ng petrolyo kung saan nawawala na ng kita ang tsuper sa araw-araw na pasada.

Anila patuloy ang paghina ng kanilang ikinabubuhay dahil sa tuluy-tuloy na pagsi­rit sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Matatandaang nagsimula nang magtaas ng presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis­ nitong Martes na aabot sa halos P2 taas kada litro na ito ay pang-walo nang oil price hike at pinakamalaking singil ngayong taon bunsod ng kaguluhan sa middle east at lumalaking demand dito ng malalaking bansa gaya ng India, China, at Amerika. 

Sa ngayon, target ng ALTODAP na maki­pag-ugnayan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ilapit ang kanilang kahilingan.

vuukle comment

JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with