Presyo ng manok at baboy, sumirit

Customers visit the Paco Market in Manila to check on the goods that are put up for sale on April 6, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tumaas ang presyo sa kada kilo ng manok at baboy sa ilang pamilihan sa Quezon City partikular sa Nepa Qmart.

Ito ay makaraang madagdagan ng P10 ang kada kilo ng manok na nasa P190, mula sa dating P180 per kilo.

Tumaas din ang ­presyo sa kada kilo ng karne ng baboy na nasa P260 mula sa dating P240 hanggang P250 kada kilo.

Ang liempo naman ay nasa P300 per kilo; butu-buto na nasa P150 hanggang P200 kada kilo; pata o paa ng baboy na nasa P160 hanggang P170 per kilo; at ribs na nasa P235 kada kilo.

Tumaas din ang per kilo ng giniling na mula sa dating P260, ngayon ay nasa P280 na ang kada kilo.

Sa pahayag ng mga meat vendor, tumaas ang presyuhan sa kada kilo ng manok at baboy dahil sa dagdag bayad nila sa mga traders at suppliers bunsod pa rin sa nararanasang El Niño sa bansa, gayundin ang walang humpay na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Show comments