2,315 batang lansangan na-rescue ng MPD

Sinabi ni MPD Director P/Brig. General Thomas Ibay na bahagi ito sa  pagpapaigting ng security coverage sa lungsod ang hakbang.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Nasa 2,315 mga menor-de-edad na nakatira sa lansangan ang nasagip ng mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) sa mga operasyong isinagawa mula Marso 1 hanggang Abril 5, 2024.

Sinabi ni MPD Director P/Brig. General Thomas Ibay na bahagi ito sa  pagpapaigting ng security coverage sa lungsod ang hakbang.

Isang “responsive at holistic approach” umano ang kanilang ipinatutupad sa anti-terrorism at anti-crime strategy para maiwasan, makontrol at  masugpo ang mga krimen, kabilang na rin ang pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.

Maayos nanamang nai-turn over ang mga menor-de-edad sa kustodiya ng Barangay, Reception and Action Center ng Manila District Social Welfare.

Ang kanilang mga magulang, tagapag-alaga o pinakamalapit na kamag-anak ay isinailalim sa wastong pagpapayo upang matugunan at maunawaan ang dahilan ng pamamalagi sa kalye ang mga kabataan.

Tinalakay din ang mg angkop na pag-aksyon para makabuo ng isang pangmatagalang solusyon.

Show comments