Klase sa public schools sa Maynila, pang-umaga na lang

Students line up to enter Araullo High School in Manila on January 15, 2024.
Edd Gumban/The Philippine STAR

Dulot ng matinding init

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Division of City Schools sa Maynila ng adjustment sa schedule ng pasok sa mga pampublikong paaralan bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon.

Batay sa Memorandum No. 140 s. 2024 na nilagdaan ni DCS Manila Chief Education Supervisor Nerissa Lomeda, at isinapubliko ng Manila Public Information Office (PIO), nabatid na simula sa Abril 11, 2024, ang klase sa lahat ng public schools sa lungsod ay magsisimula ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Magtatagal ang implementasyon ng naturang adjusted schedule hanggang sa Mayo 28, ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna.

“Memorandum No. 140 s. 2024, signed by DCS Manila Chief Education Supervisor Nerissa R. Lomeda, CESE, was released in relation to the dangerous level of heat index currently experienced in the country,” anito pa.

Show comments