Higit P1 taas-presyo sa petrolyo, muling lalarga

MANILA, Philippines — Malaking dagok na naman ang mararamdaman ng mga motorista dahil sa tataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil pla­yers, tataas ang presyo ng gasolina ng mula 90 sentimo hanggang P1.20 kada litro. Aabutin naman ng taas na P1.20 hanggang P1.40 per kada litro sa pre­syo ng diesel habang ang kerosene ay mula P1.10 hanggang P1.30 kada litro.

Sinasabing ang nagdaang apat na araw na galaw sa presyuhan ng produktong petrolyo ang ugat ng oil price hike.

Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.

Show comments