^

Metro

24 oras na road works hanggang sa susunod na linggo, inanunsyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
24 oras na road works hanggang sa susunod na linggo, inanunsyo
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes, together with MMDA Directors Victor Nuñez and Neomie Recio, holds a press conference in Pasig on April 4, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang road reblocking at repairs na isasagawa ng Department of Public Works and Highways hanggang sa susunod na linggo.

Sa isang press conference, sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na pinayagan lamang ng ahensya ang roadworks ng DPWH simula bukas hanggang Abril 10 o 11, depende kung idedeklarang holiday ang Abril 10.

Sinabi rin ng Chairman na ang pagpayag lamang sa DPWH na magsagawa ng road repairs ay resulta ng hindi natapos na road works ng mga pribadong contractor noong Semana Santa.

Samantala, ang 11 buwan naman ang itatagal sa pagkukumpuni at pagpapatibay ng EDSA Kamuning Flyover southbound na sisimulan sa Abril 25.

Tiniyak din ng MMDA sa publiko na ipatutupad ang kinakailangang traffic management sa sandaling simulan ito ng DPWH.

Binigyang-diin ni Artes na kailangan ang pagsasaayos ng Kamuning Flyover upang maiwasan ang karagdagang pinsala at maging maayos at handa ang istruktura sakaling magkaroon ng mga sakuna tulad ng ­lindol.

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with