Klase sa Claret School sinuspinde sa bomb threat
MANILA, Philippines — Binulabog ng bomb threat ang Claret School sa Quezon City na nagresulta ng suspensiyon ng klase.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nakatanggap ng tawag ang paaralan dakong alas-7:30 ng umaga na may bomba umano sa nasabing paaralan.
Bunsod nito, mabilis na inilikas ang mga estudyante at staff ng paaralan saka ipinagbigay alam ang banta sa pulisya.
Agad na rumesponde ang mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) at ginalugad ang buong paaralan hanggang sa nakumpirmang walang anumang bomba o pampasabog sa loob ng paaralan.
“Rest assured that the Claret School of Quezon City (CSQC) administration will continuously ensure the safety of the school community amidst these threats,” nakasaad sa pahayag ng school.
Matapos na makakuha ng clearance sa QCPD na klaro sa bomba ang iskul, itutuloy na ang klase ng mga estudyante.
- Latest