^

Metro

Seniors, target biktimahin ng grupong ‘Glue Ladies’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Seniors, target biktimahin ng grupong �Glue Ladies�
Sinabi ni PNP-SOSIA Chief P/Col. Roy Marlou Alzate na ang modus operandi ng grupo na maglalagay ng straight bar na gawa sa matigas na plastic, fiberglass o steel sa mga ATM booth kung saan lalagyan ng ‘resin glue’ ang ruler na isisingit sa cash dispenser upang makuha ang ilalabas na cash sa ATM machine.
Image by Sabine van Erp from Pixabay

MANILA, Philippines — Gumagala ngayon ang mga “Glue Ladies “ na miyembro ng sindikato na nambibiktima ng mga senior citizens na nagwi-withdraw sa Automated Teller Machine (ATM) at maging sa mga nagde-deposito sa bangko.

Ito ang ibinabala ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa inilabas nitong advisory nitong Biyernes.

Ayon sa PNP-SOSIA ang nasabing mga “Glue Ladies’ ay kadalasang nagpapanggap umanong mga empleyado sa bangko.

Sinabi ni PNP-SOSIA Chief P/Col. Roy Marlou Alzate na ang modus operandi ng grupo na maglalagay ng straight bar na gawa sa matigas na plastic, fiberglass o steel sa mga ATM booth kung saan lalagyan ng ‘resin glue’ ang ruler na isisingit sa cash dispenser upang makuha ang ilalabas na cash sa ATM machine.

Samantalang kapag ang senior citizen ay umalis na sa ATM booth sa pag-aakalang nagkaroon ng technical glitch ay saka lamang tatanggalin ng suspect ang bar at kukunin ang perang nadikit dito.

Bukod dito ay may mga pagkakataon rin na ang miyembro ng sindikato ay maglalagay ng glue sa command keypads para mapigilan ang kliyente na makumpleto ang transakyon para madikit dito ang ATM card.

Ang suspect ay magpapanggap pa umanong tutulong sa potensiyal na biktima na sasabihan ang kliyente na pumunta sa bangko at ireport ang insidente kung saan pagtalikod ng senior citizen ay kukunin nito ang card at magwi-withdraw sa ibang ATM machine matapos ma-memorya ang PIN number ng biktimang kunwari’y tinutulungan nito.

Samantalang isa pa sa modus operandi ng mga suspect ay magpanggap na empleyado ng bangko na idedeposito ang pera ng senior citizens habang abala ito sa pagfi-fillup sa deposit slips .

Kapag nalingat naman ang senior citizen ay maaring palitan ang dala nitong envelope kung saan ang tunay na envelope na naglalaman ng idedepositong pera ay tinangay na pala ng suspect.

Samantalang inalerto rin ng opisyal ang mga security guard ng bangko na bantayan ang mga kahina-hina­lang kilos gayundin sa mga ATM machine kung saan target biktimahin ang mga senior citizens.

vuukle comment

ATM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with