^

Metro

Tricycle driver, todas sa ligaw na bala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tricycle driver, todas sa ligaw na bala
Dead-on-arrival sa Bagong Ospital ng Maynila ang biktimang si Gonzalo Pacheco, 43, tricycle driver, at residente ng Dagonoy St., San Andres Bukid, bunsod ng tama ng bala sa katawan, habang sugatan din naman ang tunay na target na si Ferdinand Fontanilla, 36, kapitbahay ng biktima.
Image by danilo.alvesd via Unsplash

MANILA, Philippines — Todas ang isang tricycle driver matapos na tamaan ng ligaw na bala sa San Andres Bukid, Manila kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Bagong Ospital ng Maynila ang biktimang si Gonzalo Pacheco, 43, tricycle driver, at residente ng Dagonoy St., San Andres Bukid, bunsod ng tama ng bala sa katawan, habang sugatan din naman ang tunay na target na si Ferdinand Fontanilla, 36, kapitbahay ng biktima.

Samantala, arestado naman ang suspek sa krimen na si Virgilio Celis, alyas Utoy, 32, miyembro ng ‘Batang City Jail’, at naninirahan sa Crisolita St., San Andres Bukid.

Sa imbestigasyon ni PSMS Niño Baladjay, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Onyx at Dogonoy St., sa San Andres Bukid.

Ayon sa testigong si Rhea, bago ang pamamaril ay hinahabol ni Celis ang nakaalitang si Fontanilla.

Nang hindi maa­butan ay pinaputukan umano ng suspek ang kaalitan ngunit minalas na tamaan at mapuruhan si Pacheco na noon ay nakikipag-inuman sa lugar.

Tinamaan din naman ng bala sa likurang bahagi ng katawan si Fontanilla, na kaagad na naisugod sa ospital.

Nang makita naman ng mga residente ang pangyayari ay kaagad nilang kinuyog ang suspek na hawak pa ang .45 kalibre ng baril na ginamit sa pamamaril.

Nagkataon namang napadaan si PCpl Raymond Sotto sa lugar kaya’t kaagad naaresto ang suspek, na sasampahan ng kasong pagpatay sa piskalya.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with