^

Metro

Pinoy na driver/bodyguard, ipinaholdap ang among Malaysian

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police Station ang  isang driver/bodyguard na kasabwat umano at kasama ng kaniyang ama, sa pangpapaholdap sa amo, sa loob ng isang condominium, sa Pasay City, noong Martes.

Nadakip sa follow-up operation ang mga suspek na sina alyas Luis, 53; at ang ama na si alyas George, 75, alas-11:00 ng gabi sa reklamo ng isang alyas Tang, 30, Malaysian national.

Siya ay hinoldap sa loob ng condomi­nium at pwersahang tinangay ang sling bag na naglalaman ng P50,000 cash, iPhone 12 Promax, passport, at iba pang personal na gamit. Bukod pa rito ang tinangay na P33,000  na cash ng kaibigan niya.

Sa imbestigasyon, si Luis na personal dri­ver/bodyguard ni Tang, ay nagsilbing ‘tipster’ batay sa CCTV footage ng condominium at nakumpirma pa sa cellphone message nito na kinumpiska ng mga pulis.

Natukoy na planado ang panghoholdap, kasama ang amang si George, at iba pang mga suspek.

Nakapiit ang mag-ama sa Pasay City Police Station custodial facility habang ang Investigation and Detective Management Section (IDMS) ay patuloy na inaalam ang pagkilanlan ng iba pang mga kasabwat sa holdapan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with