^

Metro

Mag-asawa, 2 anak patay sa sunog sa Las Piñas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na katao, kabilang ang mag-asawang senior citizens at mga anak ang nasawi sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay, sa Talon Dos, Las Piñas City, madaling araw ng Huwebes.

Batay sa panayam kay Fire Officer 2 Ligaya Valerio, ng Bureau of Fire Protection (BFP) Las Pinas, naki­lala ang mga nasawi na sina Nicanor Isip, 73; maybahay nitong si Ma. Elena Isip. 73; mga anak na sina Michelle Angela 45; Michael Angelo, 35, pawang residente ng Peach St., Camella Homes, Barangay Talon 2, Las Pinas City.

Habang dalawa pa ang iniulat na nasugatan.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog alas-2:38 ng mada­ling araw nitong Huwebes na umakyat lang sa unang  alarma at naapula alas-4:36 ng umaga.

Tinatayang aabot sa P7.5 milyon ang halaga ng napinsala.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with