^

Metro

Mga buto ng tao nakuha sa septic tank

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palaisipan sa mga pulis ang pagkakadiskubre sa mga buto ng tao sa septic tank ng isang bahay sa Doña Aurora, Quezon City.

Ayon kay PSSg Dhonnie B. Peralta ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang naturang mga buto bandang alas- 8:30 ng umaga kahapon sa Serrano Laktaw St., Brgy. Doña Aurora, Que­zon City.

Nagulat si John Christoper Guda nang mga buto ng tao ang kanyang  natanggal na bumabara sa septic tank.

Agad niyang ipinagbigay alam sa barangay ang insidente.

Sinabi naman ng QCPD-CIDU na kinukunan na rin nila ng pahayag ang nakatira sa nasabing bahay, gayundin ang may-ari nito.

Isasailalim din sa DNA tests ang mga buto.

vuukle comment

HUMAN BONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with