PNP itinanggi ang pagharang sa mga raliyista sa EDSA People Power Anniversary
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Philippine National Police ang pahayag ng ilang grupo ng mga raliyista na hinarang ang pagdalo nila sa pagtitipon kaugnay ng paggunita ng Edsa People Power Anniversary nitong Linggo.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., hinarang ang mga ito dahil out of line ang kanilang mga dala-dalang jeep.
Aniya, hindi intensyon ng pulisya na pigilan ang mga ito at wala ring katotoohan na sinisikil ang kanilang karapatan.
Ipinatutupad lamang aniya ng mga awtoridad ang batas trapiko upang maging maayos at mapanatili ang seguridad ng publiko.
Dagdag ni Acorda, maluwag naman ang PNP sa anumang uri ng pagtitipon subalit kailangan pa ring tiyakin na walang nilalabag.
Sa katunayan naglabas siya ng kautusan ng maximum tolerance sa mga raliyista dahil ramdam din nila ang kanilang mga adhikain at pinaglalaban.
Nabatid na nakarating kay Acorda na ginipit at hinarang ang mga raliyista na galing Batangas, Laguna at Cavite na lalahok sa iba’t ibang kilos-protesta kaugnay ng People Power Revolution.
- Latest