Tubig sa Angat dam, patuloy ang pagbaba
MANILA, Philippines — Bunsod ng matinding init at kawalan ng mga pag-ulan,patuloy na ang pagbaba ng lebel ng tubig ng ilang dam sa Luzon.
Batay sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, kahapon ng umaga, nasa 206.45 meters ang water level ng Angat dam.
Nabatid na may pagbaba ito ng .27 meters mula sa 206.72 meters kamakalawa ng umaga.
Gayunman, mataas pa rin ang antas ng tubig sa dam sa minimum operating level na 180 meters. Nasa 211 meters ang normal high water level ng Angat dam.
Samantala, nasa 76.74 meters naman ang antas ng tubig sa La Mesa dam, may pagbaba ng.08 meters mula sa 76.82 meters kahapon.
Nasa 80.15. meters ang normal high water level ng dam.
Ang iba pang dam na nakitaan din ng pagbaba ng water level ay ang Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.
- Latest