^

Metro

Wanted na Indonesian sangkot sa human trafficking, natimbog ng BI

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Wanted na Indonesian sangkot sa human trafficking, natimbog ng BI
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang naarestong puga­nte na nakilalang si Aris Wahyudi, alyas Romeo, 43, ay dinakip ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ng BI noong Martes sa Salcedo St., Legaspi Village, Makati City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Makati City ang isang lalaking Indonesian na wanted sa mga awtoridad sa Jakarta dahil sa umano’y pagkakasangkot sa sindikato ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang naarestong puga­nte na nakilalang si Aris Wahyudi, alyas Romeo, 43, ay dinakip ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ng BI noong Martes sa Salcedo St., Legaspi Village, Makati City.

Sinabi ni Tansingco, nag-isyu siya ng mission order para sa pag-aresto kay Wahyudi matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa Indonesian government na nagnanais na maipa-deport ang suspek upang harapin ang mga kasong isinampa sa kaniya sa kanilang bansa.

Nabatid na si Wahyudi ay subject ng isang arrest warrant na inisyu ng Indonesian national police noong Enero 18, dahil sa krimen na trafficking in persons bunsod ito nang nagawang paglabag sa probisyon ng Eradication of the Crime of Trafficking in Persons law ng Indonesia, na naglalayong magbigay ng proteksiyon sa migrant workers doon.

Ayon sa mga awtoridad, si Wahyudi ang nag-ooperate ng isang human traffic­king syndicate na illegal na nagre-recruit at nagpi-financed ng Indonesian natio­nals na illegal na dinadala sa Cambodia upang magtrabaho ng walang kaukulang work permits.

Sinabi ni Tansingco na si Wahyudi ay kaagad na ide-deport sa sandaling magpalabas na ang BI board of commissioners ng kautusan para sa kanyang summary deportation.

vuukle comment

BI

FSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with