^

Metro

43 Chinese nationals, dawit sa human trafficking ipina-deport

Mer Layson, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
43 Chinese nationals, dawit sa human trafficking ipina-deport
Nasa 43 Chinese na sinasabing sangkot sa aktibidad ng human trafficking ang idineport na kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 43 Chinese nationals ang naipa-deport kahapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa.

Ayon sa BI, ang naturang mga dayuhan ay kabilang sa mahigit 100 foreign nationals na ­unang ­inaresto ng Presidential Anti-Organized Crime (PAOCC) at ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center (WCPC) matapos ang implementasyon ng search warrant na inisyu ng Makati Regional Trial Court para sa paglabag sa Republic Act (RA) 9208 at RA 10364 o The Anti Trafficking in Persons Act sa F.B. Harrison St., Pasay City.

Matatandaang nadiskubre ng PAOCC at ng PNP-WCPC na ang mga nasabing dayuhan ay nagtatrabaho para sa isang establisimyento na sangkot sa human trafficking activities.

Anang BI, dahil dito, nalabag nila ang mga terms at conditions ng kanilang mga visa, at ikinukonsiderang banta sa public interest.

Nabatid na ang mga ipina-deport na dayuhan ay isinakay sa Philippine Airlines flight patungong Shanghai sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sinabi naman ni BI Commissioner Norman Tansingco na bilang konsekwensiya ng kanilang deportasyon, ang mga pangalan ng mga naturang dayuhan ay isasama na sa blacklist ng BI at hindi na papayagan pang makapasok muli sa Pilipinas.

Hinikayat rin niya ang mga mamamayan na kaagad na ireport sa kanilang tanggapan kung may illegal aliens na nagsasagawa ng mga illicit activities sa kanilang lugar.

vuukle comment

BI

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with