Pagpuga ng 3 preso sa SPD, pinabulaanan
MANILA, Philippines — Pinawi ng Southern Police District (SPD) ang mga alalahanin ng publiko sa isang viral audio recording at SMS tungkol sa tatlong bilanggo na nahaharap sa mga kasong rape, murder at homicide, na gumagala matapos makatakas sa kanilang pasilidad.
Iginiit ng SPD na walang katotohanan ang kumakalat na SMS na nagbababala sa mga residente sa lugar ng Guadalupe at EMBO barangays.
Sinabi ng SPD na masusing inaksyunan ito ng Intelligence operatives ang mga pagsusuri sa SOCO Team Makati, Guadalupe Nuevo Sub Station, Bureau of Jail Management and Penology Makati City, at La Paz Custodial Facility.
Ang lahat ng mga ulat ay nagsasaad na walang insidente ng pagkasira sa bilangguan, at lahat ng mga detenido ay ‘accounted for’.
Hinihikayat din ang publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon na tiyaking verified dahil maaring magdulot ng panik.
- Latest