^

Metro

2 HVI, tiklo sa buy-bust sa Pasig City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang drug suspects na itinuturing na high value individuals (HVI) ang inaresto ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilala lamang sa alyas ‘Jacko,’ 29, mekaniko, at isang alyas ‘Robert,’ 33.

Batay sa ulat, dakong alas-11:50 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa N. Espiritu St., sa Brgy. Caniogan.

Anang pulisya, nakatanggap sila ng tip hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek at nang makumpirma ito sa serye ng surveillance ay kaagad nang inaresto ang mga suspek sa ikinasang buy-bust.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinata­yang aabot sa 57 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P387,600 at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

vuukle comment

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with