^

Metro

2 ‘tulak’ tiklo sa Caloocan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� tiklo sa Caloocan
Ayon kay Caloocan City Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta, isinailalim ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa masusing pag-validate ang mga suspect  na sina alyas Juan  at Jose; pawang itinuturong mga notoryus na tulak ng droga sa kanilang lugar.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng pulisya matapos masakote ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher habang nakumpiska rin sa mga ito ang higit P.1 milyong halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay Caloocan City Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta, isinailalim ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa masusing pag-validate ang mga suspect  na sina alyas Juan  at Jose; pawang itinuturong mga notoryus na tulak ng droga sa kanilang lugar.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba hinggil sa illegal na aktibidades sa pagtutulak ng droga nina Juan at Jose.

Nang magpositibo ang inireport ng kanilang tipster, ikinasa ng SDEU ang buy-bust operation laban sa mga suspect bandang ala-1:31 ng madaling araw sa Torsillo Street, Brgy. 28 ng lungsod.

Isang poseur buyer na pulis ang nakipag-deal sa mga suspect na bibili ng droga at habang iniaabot ang epektos ay nagsilbi itong hudyat para arestuhin ang mga suspect.

Nakumpiska  ng mga operatiba mula sa mga suspect ang humigi’t kumulang 17.03 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P115,804.00 at buy-bust money.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with