30 pamilya nasunugan sa Pasay: 3 sugatan
MANILA, Philippines — Nawalan ng tirahan ang nasa 30 pamilya sa naganap na sunog sa isang residential area, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat mula kay Bureau of Fire and Protection (BFP) Fire Marshal, Supt. Mariano Taguiam, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Minda Campusano, alas-6:30 ng gabi, sa P. Dandan St., Brgy. 54, Pasay City, kung saan nagdamay sa tinatayang 10 kabahayan.
Umakyat lang sa ikalawang alarma at idineklarang fire under control alas-7:34 ng gabi at fire out na pagsapit ng alas-8:46.
Tatlo katao ang iniulat na nasugatan sa insidente.
Tinatayang aabot sa P480,000 ang halaga ng pinsala sa naganap na sunog.
Pansamantalang tumuloy sa gymnasium ng Barangay 54 ang mga nasunugan kung saan sila tinulungan ng pamahalaang lungsod ng Pasay.
- Latest