1.5 milyong dumalo sa Chinese New Year celebration sa Maynila
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 1.5 milyong katao ang nagpunta sa Chinese New Year celebration sa Manila Chinatown.
Ito ang naging pagtaya ng Manila Police District (MPD) sa kanilang inilabas na crowd estimate sa selbrasyon ng Chinese New Year sa Maynila.
Ang selebrasyon ay pinangunahan nina Vice Mayor Yul Servo at City Administrator Bernie Ang ang mga residents, lalo na ang mga Chinese-Filipino communities, sa pagsalubong sa ‘Year of the Wood Dragon’, hatinggabi ng February 9 at ang pagdaraos n ‘Solidarity Parade’ sa mismong araw ng Chinese New Year’s, February 10 na ayon kay Ang ay isang ‘malaking tagumpay’.
Nabatid na si Ang, na siyang punong abala sa two-day festivities, ay nagsabi na ang Chinese organizations at embassies ay patuloy na nagpapahatid ng congratulatory messages sa liderato ni Mayor Honey Lacuna sa matagumpay na pagdaraos ng grandest celebration ng Chinese New Year sa lungsod city lalo na sa Manila Chinatown na siyang pinakamatanda at pinakamalaki sa buong mundo.
Sinabi ni Ang, ang 12-minute musical fireworks display na ginawa sa Chinese-Filipino Friendship Bridge sa kabila ng Jones Bridge na naging viewing deck sa lugar program matapos ang Chinese New Year countdown ng midnight ng February 9, ay umakit ng mahigit na 100,000 kataong sa mismong tulay pa lamang, sa esplanade at riverside.
Naroon din sina Congressman Joel Chua (3rd district, Manila), Manila-China Cultural Affairs Office (MCCAO) head Ati Co, Willord Chua of the Manila Chinatown Development Council, members of the Filipino-Chinese Youth Business Association headed by its President Jacky Chan and founding President Peter Zhuang also of the MCCAO, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Cecilio Pedro and Manila Chinatown Barangay Organization head Jefferson Lau, at iba pa.
Sa pangunguna ni Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila (DTCAM) chief Charlie Dungo, pinuno ng iba’t ibang departmento, ahensya at mga tanggapan sa Maynila at city councilors ay dumalo rin sa selebrasyon.
Sa ginanap na “Solidarity Parade” noong February 10, sinabi ni Ang na ang mga tao na mahigit isang milyon ay matiyagang naghintay sa mga kalye patungong Chinatown, mula sa Lawton na starting point ng parada at nilahukan ng 30 floats na kumakatawan sa City of Manila at iba pang Chinese-Filipino organizations.
Ayon kay Ang, maging ang China Ambassador to the Philippines Huang Xilian, na sumakay sa lead float kasama ni Vice Mayor Yul Servo, Manila-China Cultural Affairs Office head Ati Co at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Cecilio Pedro, at iba pa ay nasorpresa at natuwa sa napakaraming tao na nag-aabang sa mga kalye para i-welcome ang floats.
- Latest