^

Metro

Taas-pasahe sa MRT-3, posibleng sa Abril o Mayo maipatupad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taas-pasahe sa MRT-3, posibleng sa Abril o Mayo maipatupad
Passengers of MRT-3 queue at ticket booths situated inside the North Avenue Station and Taft Avenue Station in Manila on July 3, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Posible umanong sa katapusan ng Abril o kalagitnaan pa ng Mayo maipatupad ang panukalang taas-pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na siya ring officer-in-charge (OIC) ng MRT-3, pinag-aaralan pa ng DOTr ang naturang petisyon.

“After noon, magkakaroon ng public hearing. After mga one month kailangan na­ming mag-publish ulit nung approved fares, kung maaaprubahan ito, for three weeks. So ang expectation namin is baka mga end of April ito, middle of May,” pahayag ni Aquino, matapos na pangunahan ang launching ng love train ng MRT-3 kahapon.

Matatandaang nais ng pamunuan ng MRT-3 na magpatupad ng ka­ragdagang P2.29 para sa kanilang boarding fee at P0.21 na increase kada kilometro.

Sakaling maaprubahan ito, ang minimum fare sa MRT-3 ay tataas sa P16 mula sa kasalukuyang P13 lamang.

Ang pasahe naman sa end-to-end trip o mula North Avenue station sa Quezon City hanggang Taft Avenue station sa Pasay City, ay magiging P34 na mula sa kasalukuyang P28.

Ayon kay Aquino, gagamitin nila ang taas-pasahe upang masi­guro ang maayos na operasyon at maintenance ng mga tren para sa kapakanan ng mga mananakay nito.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with