^

Metro

OFW, may dobleng identity, naharang sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naharang ang isang Overseas Filipino Wor­ker (OFW) matapos lu­mabas sa talaan na may isa pang tao na bumiyahe gamit ang kanyang pagkakakilanlan.

Sa ulat kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, sinabi ng immigration protection and border enforcement section (I-Probes) na nagtangka si alyas Olive, 33, na umalis patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA) bilang isang OFW sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) Terminal 1.

Nakita ng immigration officer sa inspeks­yon na si alyas Olive ay mayroon nang naitalang pag-alis bilang isang OFW noong 2015 at 2019, sa kabila ng kanyang pagiging first time traveler.

Ang maingat na pagsusuri sa kanyang mga rekord ay nagpapakita na may ibang tao, na may eksaktong parehong mga detalye ng pagkakakilanlan, ang dati nang nakalabas ng bansa.

Ibinahagi niya na noong 2014, siya ay na-recruit ng isang ahente sa Maguindanao, na binago ang kanyang taon ng kapanganakan sa 1990 upang sumunod sa 23-taong gulang na kinakailangan para sa mga household service worker (HSWs).

Inamin niya na nagbayad siya ng P1,500 para sa kanyang bagong birth certificate, ngunit iginiit na hindi na niya naituloy ang kanyang aplikasyon at wala na siyang narinig mula sa kanyang recruiter mula noon. Inangkin niya na siya ang tunay na may-ari ng pangalan at mga de­talye na ginamit bago siya.

Ang kaso ay ipinasa sa Inter-Agency Council Against trafficking na magsisimula ng imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

NAIA

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with