^

Metro

PNP-ACG ‘zero tolerance’ sa online robbery

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko na agad na ipagbigay alam sa kanilang pinakamalapit na tanggapan ang mga potensyal na kaso ng “online robbery” para mabilis na maak­syunan.

Ayon kay ACG Director Police Maj. General Sydney Sultan Hernia, ang online robbery ay isang uri ng “cybercrime” kung saan nakakakuha ng pera o anumang mahalagang bagay ang mga kriminal sa pamamagitan ng pagbabanta sa biktima.

Aniya sa panahon ngayon kailangan ang pagiging maingat at mapanuri sa mga gagawing pakikipagtransaksiyon at pakikipagkaibigan.

Binigyang diin ni Hernia na “zero tole­rance” ang ipinatutupad ng ACG pagdating sa mga kriminal na sangkot sa naturang iligal na aktibidad.

Nabatid na mula 2022, nasa 239 kaso ng online robbery ang inaksyunan ng ACG.

Sa nasabing bilang, 44 na suspek ang naaresto at nasampahan ng kaso.

vuukle comment

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with