^

Metro

Magigiting na pulis sa NCR, ginawaran ng medalya

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Magigiting na pulis sa NCR, ginawaran ng medalya
Members of the Philippine National Police (PNP) block the nationwide protest of different transport groups along España Boulevard in Manila on January 16, 2024.
Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Binigyan ng parangal bilang pagkilala sa accomplishments ang ilang Police Commissioned Officers (PCOs) at Police Non-commissioned Offi­cers (PNCOs), sa ginanap na Monday flag raising ceremony ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa grandstand ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, kahapon.

Kumatawan sa se­remonya para kay NCRPO Regional Director, P/Major General Jose Melencio Nartates Jr. si P/Brig. Gen, Reynaldo Tamondong, Deputy Regional Director for Admi­nistration.

Bukod sa pagkakaloob ng award, isinagawa ang “Donning of Rank” para kay P/Colonel ­Bogard Arao, hepe ng District Community Affairs Development Division ng Manila Police District (MPD).

Ginawaran naman ng “Medalya ng Kagalingan” sina P/Major Armando Linget ng MPD; P/Staff Sgt. Mae Anne Nudalo, ng Southern Police District (SPD); P/Corporal Globert Batara, RID; P/Cpl. Noriel Boco ng Northern Police District (NPD); P/Cpl. Paul John Fernandez Bulusan, ng Eastern Police District (EPD), at Pat. Marlon Beronilla, EPD.

Para sa kanyang karapat-dapat na pagganap at debosyon sa tungkulin na ibinigay sa panahon ng pagpapatupad ng Kautusan ng Bureau of Immigration and Deportation Mission na nagresulta sa pag-aresto sa dalawang Taiwanese nationals at pagkakum­piska ng ilang matataas na armas at bala, iginawad rin ang “Medalya ng Kagalingan” para kay P/Captain John Baligat.

Para sa merito at napakahalagang serbisyong ginawa sa isang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang indibidwal at narekober ang mga baril at bala, ang “Medalya ng Kagalingan” ay iginawad rin kay PSSg Fernando Aniñon Gue­rrero Jr. ng MPD.

Para sa huwarang pagganap na ginawa sa panahon ng isang Hot Pursuit operation na nag­resulta sa pagkakaaresto ng dalawang (2) indibidwal para sa Paglabag sa R.A. 10591 at Article 308 ng Revised Penal Code at pagbawi ng stolen cellular phone, firearm, improvised short firearm, at live ammunition, iginawad pa ang “Medalya ng Kagalingan” kay PCpl. Raffy  Estilo, ng QCPD.

Ang “Medalya ng Papuri” ay iginawad naman kina P/SSgt. Cyrus Goli, ng SPD; P/Cpl Moris Abulencia ng QCPD at P/Cpl. Fernando Laciste Jr, ng NPD.

vuukle comment

NCR

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with