Operasyon ng inDrive, pinahinto muna ng LTFRB
MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng RL Soft Corporation na operator ng bagong online service vehicle na inDrive.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, ang suspension sa inDrive ay epektibo hanggat hindi nagko-comply ang operator nito sa MC 2019-036 o Fare Rates For Transportation Network Vehicle Services (TNVS).
Ang inDrive ay naireklamo sa LTFRB kaugnay sa umano’y hindi makatwirang pagtataas ng singil sa pasahe na labag sa terms and conditions na nakasaad sa akreditasyon nito bilang isang Transportation Network Company (TNC).
Binigyan naman ng LTFRB ng 15 araw ang inDrive para makatugon sa kautusan.
Pinaalalahanan ng LTFRB ang lahat ng Transportation Network Companies na sundin ang mga batas at patakaran ng ahensiya para sa isang maayos na public transportation system.
“The LTFRB will continue to enforce policies that prioritize the safety, fairness, and efficiency of transportation services for the benefit of the commuting public” sabi ni Guadiz.
- Latest