^

Metro

Mas maraming LTO enforcers ikakalat vs kolorum na PUVs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mas maraming LTO enforcers ikakalat vs kolorum na PUVs
Motorists and commuters experience bumper-to-bumper traffic along Roxas Boulevard near EDSA flyover in Pasay due to the rehabilitation of the southbound and northbound lanes on November 8, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Magkakalat ang mas maraming traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila, bukod pa sa may  50,000 deputized traffic personnel sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 kung saan maraming mga pampasaherong sasakyan na ang ituturing na kolorum.

Ito ang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza na batay rin umano sa kanilang record may 42,000 jeepneys ang may franchise pero umaabot lamang sa 22,000  ang mga rehistradong pampasaherong jeepneys sa ngayon.

“So saan napunta ang 20 thousand plus na may franchise. So maaaring hindi ‘yan nag-consolidate o hindi na nagrehistro o colorum na sila ngayon kaya nga isa ‘yan sa titingnan namin” sabi ni Mendoza.

Anya pag-uusapan ng lahat ng regional officials ng LTO ang tungkol sa mga gagawin kaugnay ng PUV modernization.

Mayroon naman anyang sapat na impounding area ang LTO sa may South MOA, Carmona, Maynila at Quezon City na ang ilan ay nasa pag-uusap pa.

Masyado na nga anyang puno ng impounded vehicles ang compound ng LTO kayat ito ang isa nilang pinagtutuunan ng pansin na masolosyunan.

Nanawagan din si Mendoza sa mga may-ari ng mga pampasaherong sasakyan na hindi na consolidate na e-drop sa LTFRB ang prangkisa upang maiproseso sa LTO ang pagrerehiistro ng kanilang sasakyan bilang isang private vehicle.

Kung hindi anya ito gagawin ng mga may-ari ng mga sasakyan ay maituturing na silang kolorum.

vuukle comment

LTO

PUVS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with