^

Metro

1,600 pulis ikakalat sa Pista de Sto. Niño

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
1,600 pulis ikakalat sa Pista de Sto. Niño
Daan-daang mga deboto ang makikitang isinasayaw ang imahe ng Sto. Niño sa taunang ‘Lakbayaw Festival na isinagawa sa may Ilaya St. sa panulukan ng Recto Avenue sa Maynila kahapon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Aabot sa 1,600 tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ikakalat sa Tondo, Maynila ngayong Linggo sa araw ng selebrasyon ng Pista de Sto. Niño.

Inihayag ito ni MPD Director, Police Brig. General Thomas Ibay makaraang atasan ni Manila Mayor Honey Lacuña na tiyakin ang katiwasayan at kaligtasan ng mga mamamayan maging ng mga bisita sa naturang kapistahan.

Ilan sa mga pulis ang itatalaga sa mga ruta sa gaganaping tradisyunal na prusisyon na “Lakbayaw” bilang pagbibigay seguridad sa lahat ng dadalo dito.

Bukod sa MPD, inatasan din ni Lacuña ang mga hepe ng mga departamento ng Manila City Hall para sa pagpapatupad ng mga polisiya, ordinansa, pagpapanatili ng kalinisan at kapayapaan sa selebrasyon.

Kabilang sa mga departamento na pakikilusin ang mga tauhan ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), mga pampublikong ospital, Department of Public Services (DPS), at City Engineering Office.

Inaasahan ni Lacuña na mas maraming bisita ang makikibahagi sa Pista de Sto. Niño makaraan ang tagumpay ng Traslacion sa Pista ng ­Quiapo at pagtatapos ng mga restriksyon ukol sa COVID-19.

vuukle comment

MPD

STO. NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with