^

Metro

Signal jamming, no fly zone ipatutupad sa Traslacion 2024

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Signal jamming, no fly zone ipatutupad sa Traslacion 2024
Catholic devotees of the Black Nazarene attend the second day mass of the year at the Quiapo Church in Manila on January 2, 2024.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chiefGen. Benjamin Acorda Jr. na ipapatupad ang signal jamming at no fly zone sa lungsod ng Maynila sa mismong araw ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ayon kay Acorda, walang oras kung kailan magsisimula at magtatapos ang signal jamming at no fly zone dahil nakadepende umano ito sa threat assessment na ipaparating ng Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kasama aniya ito sa mga tinalakay sa isinagawang security cluster meeting sa Palasyo ng Malacañang, kahapon ng umaga kasama ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan

Tiniyak din ni Acorda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutukan at tiyaking nilang ligtas, tahimik at mapayapa ang pagdaraos ng Traslacion 2024.

Nauna nang sinabi ni Acorda na halos 14,000 na mga pulis ang kanilang ipapakalat mula sa ­Quirino Grandstand, rutang daraanan ng Traslacion hanggang sa Basilica Minor ng Poong Itim na Nazareno sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos ng prusisyon.

Nabatid na nakipag-usap na rin si Acorda kay Manila Police District (MPD) Director Police Col. Thomas Ibay upang mabantayan ang tinatayang nasa mahigit 2.5 milyon deboto na inaasahang dadalo sa kahabaan ng Quiapo church hanggang sa iikutan ng prusisyon.

vuukle comment

NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with