LRT-2 at PNR, may biyahe ngayong Bagong Taon

Commuters take advantage of the free ride of the Light Rail Transit Authority (LRTA) at various stations of the Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) in Manila and Quezon City in commemoration of the 127th death anniversary of national hero Jose Rizal on December 30, 2023.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

Adjusted operating hours, ipinatupad

MANILA, Philippines — Nagpatupad ang mga pamunuan ng Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) at 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng adjusted operating hours para sa Bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31, at mismong Bagong Taon, Enero 1, 2024.

Sa abiso ng LRT-2 nitong Linggo, nabatid na nitong Bisperas ng Bagong Taon, ang lahat ng kanilang train stations ay nagbukas ng alas-5:00 ng umaga, habang ang huling biyahe mula sa Recto station ay umalis ng 7:00 ng gabi at ang huling biyahe naman mula sa Antipolo station ay 7:30 ng gabi.

Anang LRT-2, magbabalik ang kanilang normal train operating hours na mula 5:00AM hanggang 9:30PM, ngayong Enero 1, 2024.

Samantala, nabatid na ang mga istasyon ng LRT-1 ay nagbukas ng 5:00AM nitong Disyembre 31 habang ang last trip nito mula sa Baclaran station ay 7:00PM, at 7:15PM naman mula sa Fernando Poe Jr. station na dating Roosevelt Station.

Sa anunsiyo ng PNR para sa Bagong Taon, ang rutang Tutuban-Alabang ay may first trip na 10:26AM at last trip na 8:36PM habang ang Alabang-Tutuban route ay may first trip na 12:13PM at last trip na 8:03PM.

Ang rutang Tutuban-Governor Pascual ay may biyahe namang 4:21PM at 8:30PM naman para sa rutang Governor Pascual-Tutuban.

Ang ruta naman ng Governor Pascual-Bicutan ay may biyaheng 5:14PM habang ang pabalik o mula Bicutan-Governor Pascual ay aalis ng 6:55PM.

Ang rutang San Pablo-Lucena ay ganap na 10:15AM habang ang Lucena-San Pablo route naman ay 5:50PM.

Ang Naga-Sipocot route ay may first trip na 10:40AM at last trip na 3:30PM at ang Sipocot-Naga route ay may first trip na 12:00PM at last trip na 4:50PM.

Ang Naga-Legazpi route naman ay may first trip na 10:02AM at last trip na 5:30PM habang ang rutang Legazpi-Naga naman ay may first trip na 10:20 ng umaga at last trip na 5:47 ng hapon.

Show comments