^

Metro

Kaso vs 3 babaeng dinawit sa paggamit ng pangalan ni Sen. Win, ibinasura

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kaso vs 3 babaeng dinawit sa paggamit ng pangalan ni Sen. Win, ibinasura
Batay sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court Branch 115, dinismis ang kaso laban sa mga akusadong sina Dina Joson Castro alyas “Dina Bartolome Lopez, Diwah Lopez Umali at Dina Bartolome Joson”; Ma. Luisa Joson Barlan at Helen Bartolome Remolador dahil sa kakulangan ng “probable cause”.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng korte ang kasong estafa laban sa tatlong babae na isinasangkot sa reclamation project gamit umano ang pangalan ni Senator Sherwin Gatchalian.

Batay sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court Branch 115, dinismis ang kaso laban sa mga akusadong sina Dina Joson Castro alyas “Dina Bartolome Lopez, Diwah Lopez Umali at Dina Bartolome Joson”; Ma. Luisa Joson Barlan at Helen Bartolome Remolador dahil sa kakulangan ng “probable cause”.

Gayunman, nakitaan naman ng probable cause ang dalawa pang akusado na sina Ryan Lester Dino alyas “Davis Luis Tan”, at Carlo Africa Maderazo alyas “Engineer” sa kasong inihain ng isang lalaking negosyante.

Nauna rito, naghain ng reklamo ang negosyante sa National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crime Division ang matapos umano siyang hingan ng mga suspek ng “lock-in payment” na P100,000 at upfront fee na P400,000 para sa kanyang pagsu-supply ng aggregates para sa reclamation project sa Pasay City.

Nagtiwala rin umano ang complainant sa mga suspek nang magpakilala silang konektado sa opisina ni Sen. Gatchalian. Gayunman, nalaman nito na bogus sina Maderazo at Tan kaya isinagawa ang entrapment operations ng NBI laban sa kanila sa isang coffee shop sa Macapagal Blvd.

Sa pagdinig, walang naiprisintang ebidensiya ang prosekusyon na makapagtuturo sa pagkakasangkot nina Castro, Barlan at  Remolador sa kasong Estafa habang tuloy pa rin ang pagdinig sa nasabi ring kaso laban naman kina Tan at Maderazo.

Sinabi naman ni  Atty. Vladimir Bugaring, legal counsel nina Castro,  Barlan at Remolador na ang pagkaka-dismiss sa kaso ng tatlo ay indikasyon na wala silang kinalaman sa kaso at nananaig pa rin ang hustisya sa bansa.

vuukle comment

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with