^

Metro

Walang krisis sa transportasyon - LTFRB

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Walang krisis sa transportasyon - LTFRB
Commuters wait along Philcoa in Quezon City to get a ride, as the two-week transport strike begins on December 18, 2023.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tiniyak ng mga opisyal ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na walang magaganap na krisis sa transportasyon sa alinmang bahagi ng bansa sa taong 2024.

Ito’y sa gitna na rin ng itinakdang deadline ngayong Dec. 31 deadline sa mga operator ng Public Utility Vehicles (PUVs) para mag-consolidate sa mga koope­ratiba kaugnay ng PUV modernization program. Ang deadline ay tuloy sa kabila ng mga protesta ng mga transport groups .

“Looking at the whole universe of other modes of transportation, the LTFRB does not see a transport crisis next year ( 2024 )”, pahayag ni LTFRB Board member Mercy Jane Leynes sa press briefing .

Kaugnay nito, sinabi naman ni LTFRB National Capital Region Director Zona Tamayo na nasa 14,000 o 33.21% na ng mga jeepneys sa Metro Manila ang nag-conso­lidate na sa mga koope­ratiba bago ang deadline ngayong araw (Disyembre 31) na itinakda ng kanilang tanggapan.

Aniya, isa itong mala­king pagbabago mula sa dating 26% ng consolidation rate na naitala noong nakalipas na Nobyembre.

Samantalang ang mga nag-consolidate na UV Express units ay nasa 3, 259 o 44.3 % kung saan sa mga kabuuang PUVs sa National Capital Region ay nasa 17,152 o 35 %.

Sa panig naman ng Office of Transportation Cooperatives, sinabi ng mga ito na daang grupo pa ang lumagda sa kooperatiba para tumalima sa rekisitos sa consolidation.

“This number, for the month of December alone, exceeds already ‘yung buong taon ng 2023 na meron na ka­ming na-fully accredit na 65 kooperatiba. So, ito na po ‘yung aming ine-expect na tuluy-tuloy yung pumupunta sa amin,” giit naman ni OTC Chairman Andy Ortega.

Ayon sa mga opisyal, dahil dito ay wala silang nakikitang krisis sa transportasyon sa Enero 2024 maging sa NCR na nasa 47.3% ng mga ruta ay ino-operate ng mga nag-consolidate na transport entities. 

vuukle comment

JEEP

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with