^

Metro

Pumatay sa utol ng stepmom ng aktres, arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pumatay sa utol ng stepmom ng aktres, arestado
Aminado ang suspek na lasing siya at nagawa niyang patayin ang biktima dahil sa paninigaw at pagpapakita ng galit sa kanya nang tanungin niya ang tungkol sa kanyang live-in partner na si Mary Ann Garnica.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Nadakip na ang suspek sa pamamaslang kay Canice Minica Seming, kapatid ng stepmother ng aktres na si Coleen Garcia-Crawford sa isinagawang follow-up operations ng Antipolo City at Mandaluyong City Police.

Aminado ang suspek na lasing siya at nagawa niyang patayin ang biktima dahil sa paninigaw at pagpapakita ng galit sa kanya nang tanungin niya ang tungkol sa kanyang live-in partner na si Mary Ann Garnica.

“Nadala ng lasing ko. Dala ng lasing... Hinahanap ko asawa ko doon, eh wala. Bago pa dumating ‘yung biktima nandoon na po ako sa loob ng bahay kasi bukas po ‘yung side po nila sa kabilang daanan,”anang suspek.

Nakiusap siya sa biktima na i-chat si Garnica subalit nagalit ito at sinabing umalis na lamang.

Dito na kinuha ng suspek ang kutsilyo at inundayan ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

“During the interview, nakita natin very evident ‘yung mga kalmot niya sa mukha at sa leeg. So we are now getting DNA samples sa kanya upang ikumpara doon sa ating mga nakuhang sample sa daliri at mga dugo pa na nakuha dun sa body ng biktima natin at sa crime scene,” ani Antipolo City chief of police,  PLt. Col. Ryan Manongdo. Natagpuan din ang duguang damit at kutsilyo sa krimen.

Lumilitaw na sangkot din ang suspek sa kasong robbery case at illegal drugs.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with