^

Metro

‘Cancer hospital sa Pinas, napapanahon’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni 3-term Congressman at kasalukuyang Quezon City Councilor Alfred Vargas ang pagbibigay-prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa cancer control, kasunod ng pagpapasinaya nito ng kauna-unang ospital sa bansa na nakatuon sa paggamot ng kanser.

“Ang pagkakaroon ng isang specialty center para sa cancer ay isang katuparan ng pangarap natin bilang pangunahing may-akda ng National Integrated Cancer Control Act o NICCA. Ang balitang ito’y isang maagang Christmas gift na magbibigay ng pag-asa sa napakarami nating mga kababayan,” pahayag ni Vargas.

Kamakailan ay pinangunahan ni Marcos ang inauguration ng Healthway Cancer Care Hospital na inaasahang magdaragdag ng moderno at state-of-the-art oncology care sa Pilipinas.

Ang pagpapagamot dito ay maaaring pondohan ng Cancer Assistance Fund ng gobyerno na magiging kabawasan sa gastusin ng mga pasyente, lalo na sa diagnostics, therapeutic procedures, at cancer medicines.

Dagdag ni Vargas, malaki ang nawalang pagkakataon sa cancer care and control dahil sa COVID-19 nitong nakaraang tatlong taon at ikinatutuwa niya ang pagbibigay ng pansin ng kasalukuyang administrasyon sa pagtataguyod ng NICCA.

Bukod sa PhilHealth, mayroong Cancer Assistance Fund mula sa NICCA,” ayon kay Vargas.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with