1,500 PWDs naayudahan ng Quezon City LGU
MANILA, Philippines — Umaabot sa 1,500 qualified beneficiaries mula sa District 3, 4, at 5 ng Quezon City ang napagkalooban ng financial aid ng pamahalaang lungsod.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte ang ayuda ay bahagi ng Social Welfare Assistance for Persons with Disability ng lokal na pamahalaan.
Idinagdag pa ng alkalde na ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng ?4,500 para sa una hanggang ikatlong quarter ng taong ito na may katumbas na ?500 kada buwan.
Ang pondo ay tulong para sa mga gastusin at pangangailangan ng naturang mga benepisyaryo.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Belmonte ang mga qualified beneficiaries na makipag-ugnayan sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) upang makatanggap din ng kaukulang ayuda mula sa lokal na pamahalaan.
Bukod dito ay may 21,000 gift packs naman ang ipinamahagi rin ng lokal na pamahalaan sa PWDs, solo parents, tricycle drivers, LGBT at community volunteers ng lungsod.
- Latest