Tapyas presyo sa petrolyo, asahan sa susunod na lingo

Ayon sa oil industry, aabutin ng mula P2.40 hanggang P2.70 kada litro ang rollback sa presyo ng diesel, habang  P1.65  hanggang  P1.85 kada litro ang tapyas sa presyo ng kerosene at 60 sentimos hanggang 80 sentimos kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina.
STAR/ File

MANILA, Philippines — May bawas ulit sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry, aabutin ng mula P2.40 hanggang P2.70 kada litro ang rollback sa presyo ng diesel, habang  P1.65  hanggang  P1.85 kada litro ang tapyas sa presyo ng kerosene at 60 sentimos hanggang 80 sentimos kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina.

Ang galaw  ng pres­yuhan ng mga produktong petrolyo sa mer­kado ang ugat ng oil price rollback.

Tuwing araw ng Martes naipatutupad ang price adjustment sa petrolyo.

Show comments