^

Metro

Lalaking pinagbintangang magnanakaw, nang-hostage ng paslit

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaking napagbintangan umanong magnanakaw ang nang-hostage ng isang paslit sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Matapos naman ang mapayapang negosasyon at paghikayat ng mga awtoridad, boluntaryo rin namang sumuko ang 34-anyos na suspek,  na kinilala lang sa pangalang ‘Luigi,’ residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, habang ligtas na nasagip ang 5-taong gulang na batang lalaki na kanyang hinostage.

Sa ulat ng Special Weapon and Tactics (SWAT), nakarating kay Pasig City Police chief PCol Celerino Sacro Jr., nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Block 22, Batok St., Eusebio Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nauna rito, hinabol umano ng mga residente sa lugar ang suspek matapos na akusahang magnanakaw.

Dahil dito, pinasok ng suspek, na armado ng isang bread knife, ang bahay ng biktima at hinostage ang bata.

Nahikayat naman ng mga pulis ang suspek na mapayapang sumuko at nasagip ng ligtas ang paslit.

Narekober mula sa suspek ang isang bread knife na may habang 7.5 pulgada.

Nakapiit na ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya.

vuukle comment

PASIG CITY

SWAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with